Home

Pagkamkam ng Lupa, Pagkait sa Kinabukasan

Ang aming grupo ay dumalo sa Manilakbayan 2016 na ginanap sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Ang iba naman ay naglakbay rin papuntang Baclaran Church noong ika-27 ng Oktubre upang makausap at makasalamuha ang mga katutubong minorya sa huling pagkakataon.

img_2657

Noong papalapit na kami, hindi namin alam kung anong emosyon ang aming mararamdaman. Paano kami makikitungo sa katutubo? Nakakanerbiyos rin dahil baka mamaya may mga biro o salita kaming hindi nila magustuhan o maging iba ang dating para sa kanila. Sari-saring ideya ang aming napag-usapan sa kung ano ang aming inaasahan sa paglalakbay na ito.

Nag-iba ang aming pananaw at pagkilos noong naroon na kami. Aming napagtanto na isa palang seryosong bagay ang aming pinuntahan. Hindi ito isang kasiyahan, kundi isang paraan ng pagmumulat sa amin sa realidad sa aming paligid. Naantig ang aming damdamin sa mga panayam ng ilang katutubo. Itong paglalakbay namin ay hindi lamang pala tungkol sa pagmamalaki ng bagong karanasan, kundi ay isang “call to action”.

“Baka sakaling ito yung paraan para mabigyang-pansin na kami.”

Ayon sa mga katutubong nakausap ng grupo, sila ay nagsama-sama sa Manilakbayan dahil sa tingin nila ito ang paraan upang sila ay mabigyan ng pansin. Tunay na mahalaga sa buhay nila ang kanilang pamayanan dahil ito ang lugar kung saan sila nagtatanim ng palay, gulay at iba pang pwedeng mapakinabangan. Dito nila kinukuha ang kanilang pagkain sa araw-araw, at ang bunga ng kanilang mga tanim ay ibinebenta sa bayan upang may mapagkunan ng pera. Sa madaling salita, bukod sa kanilang kulturang nakapaloob sa pamayanan, ito ay nagsisilbi ring pinagmumulan ng hanapbuhay. Magaan ang buhay nila noon dahil sila ay may pamayanang sumusuporta sa kanilang mga pangangailangan.

img_3642

 “Hindi naman kami pumunta dito para mang-away. Nandito kami para mapakinggan”

Sa kasalukuyan, ang iba sa kanila ay nakatira sa General Santos. Ang kabuhayan nila dito ay ang pagbebenta ng mga kakanin, palamig at iba pa. Kung dati ay hindi nila binibili ang kanilang pagkain sa araw-araw dahil meron silang mapagkukunan ng bigas, gulay at prutas, ngayon ay kailangan nilang magdoble kayod upang may mapakain sa kanilang mga pamilya. Dati pa nga raw ay nakapaglalaba sila sa sapa, ngayon hindi na sapagkat kulay putik na ang tubig.

Magulo ang kalagayan sa bahagi ng pamayanang ito. Ang mga pinapatira sa kanilang lupa ngayon ay ang mga Kafgu at mga army. Nakakaranas sila ng iba’t ibang banta sa buhay. Sa kasalukuyan, ang mga katutubong minorya ay nakatira na lamang sa mga covered courts. Ang nagkokontrol na ng kanilang mga lupa ay ang mga pribadong mining companies na nakikinabang dito. May mga guwardiyang rin itong  inatasan upang pagbawalan ang mga lumad na pumasok sa kanilang sariling lupa o pamayanan. Kung sino man ang magtangkang pumasok dito ay pinapatay o binabaril. Sa kabila ng mga paglabag sa karapatang panatong ito, hindi nabibigyan ng karampatang hustisya ang mga biktima ng panggagapi. Ang simpleng pagpasok sa kanilang lupa upang kumuha ng pagkain at maaaring ibentang prutas at gulay ay nagiging dahilan ng kanilang pagkasawi. Alam ng mga katutubo na ang gumagawa ng mga bantang ito ay ang mga pribadong mining companies mula sa Amerika na kumakamkam ng kanilang mga lupa upang mapakinabangan ang mga mineral na naroon. Hindi namin maiwasang mapaluha sa mga pahayag ng mga katutubo. Nakalulungkot isipin na ang dating simpleng pamumuhay na nga lang ay napagkait pa sa kanila.

img_2669

“Kapag may pera ka, papakinggan ka.”

Isang kakilakilabot pa na senaryo ang naranasan ng mga mga katutubong Lumad. Ito ay ang pangloloko ng mga mining companies sa pagkuha ng kanilang mga lupain. Inatasan ang mga katutubo na magtipon-tipon at magtaas ng kamay sa tanong na “Sino dito ang nagugutom?” Dahil sa kanilang sitwasyon, hindi maiiwasan na halos walang makain ang mga katutubo.  Ang mga nagtaas na kamay ay kinuhanan ng litrato ng mga kumpanya at ginawang patunay na sila ay sang-ayon sa pagmimina ng mga mining companies. Halong awa at galit ang aming naramdaman nang narinig namin ito. Awa, para sa mga katutubong nilinlang, galit sa mga mapang-abusong pribadong kumpanya. Ang iba naman ay binigyan ng kontratang nagsasabi “raw” na ang mga lupain ay sa mga kanila na. Ngunit dahil sa kakulang sa edukasyon ng mga katutubo, hindi nila naintindihan ang mismong nakasulat sa mga konrata. Ito ay sadyang nakapangalan na sa mga kumpanya. Dulot ng kasakiman ng mga kumpanya, sa isang iglap, nawalan ng tirahan at kabuhayan ang mga katutubo.

Dahil sa mahina at mabagal na sistema ng mga kinauukulan, mas durami ang mga panggagahas na nanggyayari sa bansa. Ngunit makakatulong ang pamahalaan sa mga adhikain ng mga katutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga serbisyo para sa reporma sa lupa, pagsusulong ng mga “peace talks”, pagkakampanya sa katarungan at kapayapaan, at higit sa lahat, ang pagdinig sa kanilang mga panawagan. Kailangang pakinggan ang kanilang panawagan at isaisip na hindi pa rin nagaganao ang “pagbabago” sa kanilang lupain dahil, kahit sa kasalukuyan,may “unilateral ceasefire” sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas, National Democratic Front at ng mga moro. Mapapansin rin na hindi pa konkreto ang kapayapaan sa kanilang lugar sapagkat kahit sa mismong mga paaralan nila, maging sa pagtungo nila rito sa lungsod ng Maynila, ay nakararanas sila ng dahas. Kailangan din pakinggan ang kanilang panawagan ukol sa hustisya para sa mga pinaslang dahil hangga’t maaari, hindi dapat hayaang makawala ang mga may salarin pati na rin ang mga malalaking mining companies. Kailangan silang panagutin sa kamaliang kanilang dinulot sa ating bansa. Panawagan din na paigtingin ang suporta sa edukasyon ng mga katutubo upang hindi na sila muli maloloko ng mga mapanlinlang na mga mining companies. Dapat silang turuan ng mga alternatibong educational systems upang maitaguyodmpa rin ang bagong kaalaman ng mga kabataan sa likod ng pagsusunog ng kanilang mga paaralan.

Bilang mga estudyante, ang simpleng pagbisita sa mga Lumad ay malaking tulong  upang mapakinggan ang mga kwento ng mga katutubo at ipakalat ang adhikain ng ManilaLakbayan sa mga ating mga kaklase. Bukod pa rito, makikita rin natin ang magandang nadudulot ng pagsali sa argumento sa social media katulad na lang kung may makitang “flawed argument” sa mga nagkukumento sa social media. Ating punan ng taman suhestiyon ito upang kanilang malaman na, “Oo may mga naniniwala sa panawagan  nila at malawakan ang aming suporta.” Maganda rin na hindi lang tayo makukulong sa social media kung hindi sumali rin tayo sa iba pangmasang organisasyon ng kabataan kagaya ng Lakbayan, LFS, Kabataan Partylist at iba pa. Itong mga organisasyong ito ang tunay na naglilingkod sa sambayanan at kinikilala nila ang papel ng kabataan bilang pag-asa ng bayan sa pagkakaroon ng organisadong pagkilos. Naniniwala rin silang kabataan ang tinutukoy nila sa pagsasabi ng “Change is coming.”

“To think, to feel, to do”, ang hamon ni Pope Francis. Nagsisimula ang lahat sa pagmumulat sa kaganapan sa ating paligid. Hindi ito nagtatapos sa pakikisimpatya. Kinakailangang magkaroon tayo ng karampatang aksyon at bilang kabataan, gagamitin namin ang social media sa pagpapalawig ng boses ng mga katutubong minorya.

Manilakbayan: Pagpapalawig sa Boses ng Katutubong Minorya

Ang Manilakbayan ay ang paraan upang marinig ng kinauukulan ang problema ng mga magsasaka sa pagkuha ng kanilang mga lupang ninuno. Batay sa pakikipanayam namin kay Kuya “Ben”, isa sa mga boluntaryong namuno sa Manilakbayan 2016, taong 2014 nang naganap ang Manilakbayan ng mga taga-Mindanao sa Liwasang Bonifacio upang palakasin ang reporma ng lupa. Taong 2015 naman nang naganap ang unang kampuhan sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan may 800 na moro ang nakiisa. Ang kampuhang 2015 ay nagpatuloy at naging Manilakbayan 2016 na kung saan ang buong rehiyon sa bansa ay nakiisa. Ito ay ang pagbubuo ng pagsasama ng iba’t ibang pambansang minorya katulad ng mga moro at Lumad sa panawagan ng pagpapatanggal ng militar sa kanilang ari-arian, pagpapasara ng malalaking mining corporations, at pagkilala sa kanilang karapatan.Ginanap ito upang maipahiwatig sa kinauukulan ang malawakang pandarambong (large scale mining) sa kanilang mga lupain at pagsunog sa mga eskwelahang naitayo para sa “alternative learning system.”
Nais rin nilang ipaalam na importanteng magkaroon ng tunay na gobyerno na handang tumulong sa bayang nasasakupan, hindi ang gobyerno na naglilingkod lang para sa interes ng mga dayuhan at mabigyang-pansin ang suliraning nararanasan ng pambansang minorya.

Noong nakaraang taon, nangyari ang contra-APEC na kung saan nais nilang itigil ang hindi patas na trade agreements na dinala ng APEC. Kasinrahas ng pagpoprotesta noong Manilakbayan 2015 ang nangyari sa kasalukuyang protesta sa embahada ng Amerika kung saan hindi lamang water canon ang ginamit upang patigilin ang mga nagpoprotesta, kung hindi pati na rin ang pananagasa ng pulisya sa mga rito. Bukod pa roon, marami ring kahirapan ang naranasan sa pagpapahayag ng impormasyon. Isang patunay ang mainstream media, lalo na sa mga balita ng major networks, na may bias sa kanilang mga inuulat. Binabaliko ang mensahe ng Manilakbayan 2016. Dito makikita na ginagawang mga binabalewala lang ang mga karapatan ng iba’t ibang pambansang minorya at hindi na pinapakinggan ang katotohanang nakapaloob sa kanilang mga kuwento. Nakakalimutang balikan ng mga tao ang tunay na rason at mensaheng hatid ng protesta.
Naging matagumpay naman bahagya ang layunin ng Manilakbayan noong taong 2015. Pinakinggan ng mga opisyal ng DOJ, DENR at ng Kongreso ang kanilang mga hinaing. Subalit, ito ay katiting lamang ng mga minoryang nangangailangan ng tulong, at ang iba pa sa kanila ay walang pakundangang hinaharass ng mga nagbabalat-kayong mga militar.

Manilakbayan: Pagpapalawig sa Boses ng Katutubong Minorya

This is the excerpt for your very first post.